school (is•kúl) 1: páaralán 2: mga mag-aaral 3: pangkat ng tao na magkakatulad ng pananaw, o pananaw sa mundo 4: pangkat ng mga isda, gaya ng pangkat ng lumba lumba, balyena, at iba pa
private sector (práy•veyt sék•tor) : bahagi ng ekonomiya na hindi nakapailalim nang tuwiran sa kontrol ng estado.
finishing school (fí•ni•syíng is•kúl) : pribadong kolehiyong pambabae na nagbibigay ng pagsasánay hinggil sa umiiral na moda o estilo, gaya sa pananamit, pananalita, o pag-uugali
Private Automatic Branch Exchange (práy•veyt o•to•má•tik brants éks•tyends) : sistema ng awtomatikong paglilipat ng tawag sa telepono sa loob ng isang opisina o gusali